ISA na namang celebrity ang nagbebenta ng kanyang ari-arian. Iniulat ng Zillow na ibinibenta ng rocker na si Tommy Lee ang kanyang bahay sa Calabasas, California sa halagang $5.995 million.

May lawak na 10,000-square-foot home, ang bahay ay binubuo ng limang kuwarto at anim na banyo, dalawang kusina, isang home theater, at isang recording studio — kapag nasa mood siyang bumuo ng musika. Habang ang mga natitirang lugar ay nakalaan para magsilbing pahingahan, na binubuo naman ng koi pond, indoor spa, at isang atrium na may bamboo.

Isa lamang si Lee, 53, sa mga celebrity na nagpatayo ng bahay sa Calabasas sa mga nakalipas na taon, kabilang na ang mga Kardashian, at sina Britney Spears at Justin Bieber. (Yahoo News/Celebrity)

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!