Sinimulan na kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang final testing at sealing ng mga vote counting machine (VCM) na gagamitin sa eleksiyon sa Lunes.

Mismong si Comelec Chairman Andres Bautista ang nanguna sa naturang aktibidad sa Araullo High School sa Maynila, kahapon ng umaga.

Nagkaroon naman ng bahagyang aberya nang hindi tanggapin ng VCM ang unang balotang ipinasok dito, ngunit kalaunan ay naayos din.

Inaasahang matatapos sa Sabado, Mayo 7, ang final testing at sealing ng mga VCM. (Mary Ann Santiago)

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!