Naaresto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ang isang hinihinalang terorista na sangkot umano sa planong pambobomba sa Metro Manila at nagtatangkang dumukot kay Kris Aquino, sa pagsalakay ng intelligence operatives.

Kasalukuyang isinasailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Reynaldo Vasquez Ilao, ng Barangay Nueva, San Pedro, Laguna.

Ayon sa report, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang bahay ng suspek noong Abril 26 at nakuhanan ito ng .45 caliber pistol at granada.

Nasa kostudiya na ngayon ng ISAFP ang suspek habang inaalam pa ang ibang detalye hinggil sa pinlano nitong pagdukot sa iba pang personalidad, kabilang ang world boxing champion na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao. - Fer Taboy

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach