CARACAS, Venezuela (AP) - Ipinag-utos ng pangulo ng Venezuela ang pagkakaloob ng 30 porsiyentong dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa, ang huling hakbangin ng gobyernong sosyalista upang malabanan ang tumataas na bilihin.

Ito ay inihayag nitong Sabado ng gabi ni President Nicolas Maduro kasunod ng 25 porsiyentong umento noong Marso 1, 2016.

Ito ay naging epektibo simula kahapon, Linggo, kasabay ng International Labor Day, at nakatakdang isulong ang minimum wage sa 15,051 bolivars (P71,191) kada buwan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina