MARIVELES, Bataan – Inihayag ng pulisya kahapon na nabuwag nito ang “Buriki Gang” at nadakip ang walong miyembro ng sindikato na nakumpiskahan ng 80 sako ng soybeans.

Ayon kay Supt. Crizalde Conde, hepe ng Mariveles Police, matagal nang nambuburiki ng soybeans ang grupo mula sa mga lehitimong negosyante.

Naaresto sa seaborne operation ng pulisya sa dalampasigan ng Pitas sa Sitio Naswe, Barangay Ipag, Mariveles, sina Carl Casalan, Joey Sitchon, Junito Cotcheza, Joel Cotcheza, Ervin Solano, Jeffrey Nazareno, Edmar dela Cruz, at Ronaldo Solano, lulan sa bangkang pangisda at pawang residente ng Bgy. Ipag.

Sinabi ni Conde na nagawa namang makatakas ng tatlong suspek na sina Ben Tapalla, Albert Tapalla, at ang hindi nakilalang nagmamaniobra ng bangka.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Aniya, naaktuhan ang mga suspek habang nagkakarga sa bangka ng 15 sako ng soybeans. (Mar Supnad)