NASUGBU, Batangas – Isang fetus ang itinapon sa gitna ng tubuhan sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 11:00 ng umaga nitong Abril 28 nang matagpuan ng magsasakang si Orlando Faytaren, 41 anyos, ang fetus na nakabalot sa itim na tela sa gitna ng tubuhan na sakop ng Barangay Catandaan sa bayang ito.

Ibinurol sa chapel ng barangay ang fetus na tinatayang nasa limang buwan na, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog