“Dapat sa walanghiyang ‘yan ibitin nang patiwarik. Hindi na ‘yan tao…isa siyang halimaw!”

Ito ang galit na sinabi ng mga magulang ng isang limang-taong gulang na babae na minolestiya umano ng kapitbahay na biyudo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police Station Jail Section si June Reyes, 44, ng Torcillo Street, Block 33, Lot 6, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Nakaratay naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Ayon sa report, dakong 9:00 ng gabi umiinom ng alak sa kanyang bahay ang suspek kasama ang isa nitong kaibigan.

Nakita ni Reyes ang biktima nang dumaan sa harap ng kanyang bahay at dala ng kalasingan ay binuhat niya ito papasok at dinala sa banyo para roon molestiyahin.

Umiiyak na umuwi ng bahay ang bata at nagsumbong sa kanyang mga magulang na agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya upang humingi ng tulong.

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang posasan siya ni PO1 Frederick Nuñez ng Police Community Precinct 2.

Walang piyansang inirekomenda ang piskalya para sa pansamantalang paglaya ni Reyes. (Orly L. Barcala)