IBAAN, Batangas – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 37 anyos na babae matapos pagsasaksakin ng kanyang pinsan sa bayang ito.

Hindi na naisalba sa Queen Mary Hospital si Evangeline Cantor, tubong Masbate, at naninirahan sa Barangay Matala.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Gerald Cantor, 37, kalugar ng biktima.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:30 ng hapon nitong Huwebes nang nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima at pinagsasaksak ito hanggang sa mamatay.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Away pamilya ang nakikitang motibo sa krimen. (Lyka Manalo)