Pinagsasaksak hanggang mamatay ng isang adik ang apat na katao, kabilang ang kanyang asawa, sa Guinhulngan City, Negros Oriental kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng Guinhulngan City Police Office (GCPO), nangyari ang krimen dakong 7:00 ng gabi sa Sitio Calacdog, Barangay Humay-humay, Guihulngan City, Negros Oriental.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Temestocles Ducoy Marinog, 27 anyos; Aidele Isola Marinog, 26; Jocres Isola, 3; at Rechel Toting Melanconico, 28, pawang residente ng nabanggit na lugar.

Ang suspek ay si Jelord Mimis Melanconico, asawa ng biktimang si Rechel.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya na bangag sa droga ang suspek nang pagsasaksakin nito ang mga kamag-anak at ang kanyang asawa gamit ang 12-pulgadang haba ng patalim.

Inamin ni Melanconico sa presinto na bago naganap ang krimen ay gumamit siya ng droga kasama ang iba pang kabarkada.

Nakakulong na ang suspek at nakatakdang kasuhan ng multiple murder at parricide. (Fer Taboy)