GUIMBA, Nueva Ecija – Agad na nasawi ang isang 48-anyos na tricycle driver makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Barangay Caballero sa bayang ito, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Supt. Ritchie A. Duldulao, hepe ng Guimba Police, ang biktimang si Jose Nocum y Abelardo, may asawa, ng Bgy. Sta. Cruz, na natagpuang nakahandusay sa barangay road at may mga tama ng bala ng hindi pa tukoy na baril sa katawan.

Sa imbestigasyon ni PO2 0liver Magsilang, dakong 9:50 ng umaga at minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (1516-RZ) angkas ang asawang si Vilma Garcia Nocum nang pagsapit sa Bgy. Caballero ay sumulpot ang mga suspek at at malapitang pinagbabaril ang biktima. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog