MATNOG, Sorsogon – Isang kandidato sa pagkakonsehal sa bayan ng Matnog ang binaril at napatay ng dalawang hindi nakilalang suspek habang nangangampanya kasama ang kanyang anak sa Barangay Pawa sa bayang ito, dakong 6:20 ng gabi nitong Lunes.

Kinilala ni Chief Insp. Nicanor Aycocho, hepe ng Matnog Municipal Police, ang biktimang si Cayetano Gallanosa y Oro, Jr., nasa hustong gulang, kandidatong konsehal sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance (UNA).

Ayon sa paunang imbestigasyon, pinalitan lang ng biktima ang kapatid na si Harry Gallanosa, na siyang orihinal na kandidato sa pagkakonsehal ngunit nasawi sa isang aksidente sa sasakyan kamakailan.

Sinabi ni Aycocho na ilang beses na binaril ang biktima ng mga suspek, gamit ang hindi pa tukoy na kalibre ng baril, sa harap ng anak nitong lalaki.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Agad na tumakas ang mga suspek.

Nagpapatuloy pa ang masusing imbestigasyon sa insidente. (Niño N. Luces)