NAGTIPUN-TIPON ang malalaking grupo ng LGBT sa pamumuno ng LGBT icons na kinabibilangan nina Bemz Benedito ng LGBT group na Ang Ladlad, si Rica Paras na nakilala sa Pinoy Big Brother Double Up, ang respetadong fashion designer na si Mama Renee Salud, at ng kauna-unahang Pinoy transwoman na tumatakbo bilang congresswoman ng Bataan na si Ms. Geraldine Roman, para ideklara ang kanilang suporta kay Mar Roxas na tumatakbo ngayon bilang pangulo ng Pilipinas.

Ito umano ang kanilang tugon sa suportang ipinakita ni Mar sa LGBT community sa pamamagitan ng pagsulong sa pantay na karapatan sa makulay na grupo ng LGBT.

Ayon kay Roxas, ibibigay niya ang kanyang buong suporta sa bawat mamamayang Pilipino, kasama na ang LGBT community.

“Dapat tamasahin ng bawat Pilipino ang lahat ng kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas ano man ang kanilang etnisidad, relihiyon, sexual orientation, at gender identity.”

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Ipinakita rin ni Mar ang kanyang suporta sa Anti-Discrimination Bill (ADB), ang isa sa mga batas na kanyang isusulong sa Kongreso at sa Senado kapag siya ay nahalal at umupo sa puwesto bilang presidente ng bansa.

Matagal nang nakatengga sa Kongreso ang panukalang batas na ito mula nang i-file ito noong 1998. Gagawing krimen ng ADB ang mag-discriminate at mang-api ng sino mang miyembro ng LGBT sa trabaho, eskuwelahan, sa pagproseso ng mga papeles at pagbibigay ng mga professional license para sa trabaho at mga negosyo.

Sa ngayon, hindi pa sakop ng ADB ang same sex marriage ngunit isa sa mga layunin ng mister ni Korina Sanchez-Roxas na maipatupad ang civil union para sa mga miyembro ng LGBT na matatag ang relasyon. Kikilalanin ito bilang legal na arrangement tulad ng kasal na hindi kinakailangan ang isang seremonya sa loob ng simbahan. Dahil dito, magkakaroon ang mga LGBT couples ng proteksyon sa ilalim ng batas pag dating sa kanilang property rights, next-of-kin rights, insurance, tax breaks na mga legal rights na siya ring tinatamasa ng mga heterosexual couples na nasa isang loving at committed na relationship.

Pinuri naman ni Renee Salud ang Keribeks Gay Congress na pinamunuan ni Korina Sanchez-Roxas npong nakaraang taon.

“Sila lang ang nag-abala at gumawa ng malaki at magandang event para sa aming mga miyembro ng LGBT. Hindi lang kami na-entertain, madami din kami natutunan, at binigyan pa kami ng job fair ng Keribeks.”

Bagamat hindi nakapunta sa LGBTs For Mar si Boy Abunda, nagpadala ito ng mensahe kay Bmez Benedito. Ayon kay Boy, “Ibinabato ko po ang buong suporta at boto ko kay Mar Roxas. I appreciate his respect to the LGBT community. Ang aking suporta ay buo dahil malapit sa puso niya ang LGBTs at malinaw ang plataporma niya dito.”

--Chuck Gomez