Umabot sa 25 katao ang nasugatan matapos masalpok ng isang pampasaherong jeep ang isang tricycle sa Barangay Cugman, Cagayan de Oro City, kahapon.

Dinakip ng pulisya ang driver ng jeep na si Noel Narapan, na nahaharap sa reckless imprudence resulting to multiple physical injuries dahil sa pagkakasugat ng 25 pasahero.

Ayon sa imbestigasyon ng Cagayan de Oro City Police Office (CCPO), nangyari ang aksidente sa Zone 2 sa Bgy. Cugman ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Senior Insp. Evan Vinas na malubha ang lagay ng dalawa sa mga biktima na sina Aprilyn Japlos at Billy Coliada, na kapwa nagtamo ng bali sa katawan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ginagamot ngayon sa ospital ang iba pang mga biktima na kinilalang sina Cristine Cruz, Leah Potilla, Marife Bataluna, Leonisa at Perpino de los Angeles, Star Sunshine Caturan, Rubelyn Llagas, Sonia Llagas at Cristine Ungayon.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Naparan na mabilis ang takbo ng tricycle, na minamaneho ni Virgilo Maghinay, hanggang sa masalpok niya ito. (Fer Taboy)