NANGHIHINAYANG ang ilang female celebrity na nakatsikahan namin tungkol sa isang guwapong direktor na kahit anong pagpapa-cute nila ay hindi sila pinapansin dahil hindi pala sila ang type.

Nakyutan din kami sa guwapong direktor nang una naming makilala. Bukod pa sa may pagkamisteryoso ang dating, hindi siya katulad ng ibang direktor na nakakatsikahan namin na sobrang daldal kaya amoy mo na kaagad ang tunay nakasarian.

Usap-usapan nga ng mga katoto na finally may guwapong direktor na pagpapantasyahan ng kababaihan dahil nga bata pa at sosyal.

Taon na ang binilang namin mula nu’ng makilala namin ang guwapong direktor hanggang sa makatsikahan namin ang common friend namin at nabanggit nga na gay ang direktor saka sabay sabi sa amin ng, “Shhh, hindi pa yata siya out.”

Rhian Ramos, 'di pabor sa pagkandidatong mayor ni Sam Verzosa?

Speechless at hindi kami makapaniwala nang marinig namin ang kuwento ng common friend namin dahil papasang artista talaga ang guwapong direktor.

“Actually, cute naman talaga siya (guwapong direktor), brainy at magaling siya, he graduated pa sa prestigious school, actually maraming may crush sa kanya, I’m not sure if he had a girlfriend before kasi nga hindi naman siya out, but for sure a lot of his friends knew naman. ‘Wag mo na lang isulat kasi baka hindi rin naman siya aamin,” kuwento ng common friend namin.

Since then, tahimik lang kami tungkol sa guwapong direktor hanggang sa nakatsikahan nga namin ang ilang female celebity na alam din nila na kung ano ang type ng nasabing direktor.

“Nakita siya ng friend ko sa isang exclusive club may kausap na guy na guwapo rin ‘tapos hindi sila naghihiwalay hanggang umalis sila. At silang dalawa lang ang magkausap,” kuwento sa amin.

Anyway, cute pa rin siya para sa amin, keber kung gay siya, teka hindi pa naman siya nag-a-out kaya hindi pa rin kami naniniwala. (REGGEE BONOAN)