Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang bagong batas na nagpapalawig sa buhay ng board na nagpoproseso ng claims ng mga biktima ng batas militar hanggang sa Mayo 2018.

Pinagtibay nitong Abril 19, inamyendahan ng Republic Act No. 10766 ang Section 29 ng RA 10368 upang bigyan ang Human Rights Victims Claims Board ng karagdagang dalawang taon.

Sa orihinal, binigyan ang board ng mula Mayo 12, 2014 hanggang Mayo 12, 2016 upang kumpletuhin ang trabaho nito.

Saklaw ng RA 10368, o ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013, ang P10-bilyon compensation fund para sa mga biktima ng batas militar at ang pondo ay magmumula sa nabawing ari-arian ng mga Marcos.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa kasalukuyan, nakatanggap na ang board ng mahigit 75,000 application for reparation mula sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Gayunman, nasa 11,071 pa lang ang claims na inaksiyunan ng board.

(Genalyn D. Kabiling)