Walang dapat ikalungkot ang Ultimate Fighting Championship fans. Hindi pa magreretiro si Conor McGregor.

Nilinaw ng UFC superstar na hindi pa siya magreretiro at ang naunang pahayag sa kanyang Twitter account ay bunga lamang nang pagkainis sa sandamakmak na trabaho sa promosyon ng kanyang laban para sa pay-per-view.

“I cannot dance for you this time,” pahayag ni McGregor nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa kanyang Facebook account.

“I have become lost in the game of promotion and forgot about the art of fighting,” ayon kay McGregor.

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

“For USADA and for the UFC and my contract stipulations — I AM NOT RETIRED,” diin ni McGregor.

Sa kabila nito, nanindigan ang UFC sa naunang desisyon na hindi na siya isasama sa UFC 200 sa Hulyo kung saan nakatakda sana siyang humarap sa rematch kontra Nate Diaz.

Naputol ang 15-fight winning streak ni McGregor nang patulugin siya ni Diaz sa maaksiyon at madugong laban.

Ayon kay UFC President Dana White, inalis niya sa fight card ng UFC 200 si McGregor dahil sa kabiguan nitong makiisa sa ginagawang promotional tour ng UFC 200 sa Las Vegas.

Iginiit naman ni McGregor na handa siyang sumabak sa UFC 200.

“I’m doing what I need for me now. It is time to be selfish with my training again. It is the only way,” giit ni McGregor.

“I feel the $400million I have generated for the company in my last three events, all inside 8 months, is enough to get me this slight leeway,” aniya.

Sinabi niya na tinangihan ng UFC ang hiling niya na bawasan ang oras ng kanyang pagdalo sa promotional tour, ngunit sinabing handa siyang dumalo sa nakatakdang press conference sa New York.

“I did not shut down all media requests. I simply wanted a slight adjustment,” sambit niya.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si White hanggat hindi pa natatapos ang press conference sa Las Vegas, sa Biyernes (Sabado sa Manila).