Naghihintay ng lagda ni Pangulong Aquino ang panukalang “Comprehensive Philippine Plan of Action to Eliminate Tuberculosis” matapos itong pagtibayin ng 16th Congress.

Inaprubahan ng Senado sa pangatlo at huling pagbasa noong Enero 18, 2016 ang bersiyon nito (Senate Bill 2653) samantalang ipinasa ng Kamara ang House Bill 5042 noong Oktubre 2014, at pinagtibay ang SB 2653 bilang susog sa HB 5042 noong Enero 19, 2016.

Noong Marso 29, 2016, ang enrolled copies ng SB 2653 na inakda ni Senator Teofisto “TG” L. Guingona III, at in-adopt bilang susog sa HB 5042, ay ipinadala sa Malacañang sa pamamagitan ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) upang lagdaan ng Pangulo.

Inaasahan na makatutulong ang panukala upang matamo ang adhikain ng bansa sa ilalim ng Global Plan on Tuberculosis na mabura ang sakit na TB sa Pilipinas. (Bert de Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador