Daniel, mga kapatid, at si Rommel copy

MAY ipinagagawa pala uling bagong bahay si Daniel Padilla kaya bisi-bisihan ang mama niyang si Karla Estrada sa pagsu-supervise ng interior design nito.

Nabili raw ng aktor ang bakanteng lupa na katabi ng bahay nila.

Hindi lang malinaw sa amin kung solong bahay na ito ni Daniel o kasama ulit niya ang pamilya niya. Ilang taon pa lang niya nabibili ang unang bahay na ibinigay niya sa mama niya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Hmmm, posibleng solong bahay ito ni DJ bilang paghahanda sa future niya. Sabi nga ng papa niyang si Rommel Padilla sa pa-birthday party sa kanya ng KathNiel KaDreamersWorld, “Tandaan mo sinabi ko sa ‘yo no’n, ‘pag bente uno ka na, magkakaanak ka na, ha-ha-ha!”

Twenty one years old na si Daniel. Pero siyempre siyempre biro lang iyon ni Rommel kasi nga alam niya na babaero ang mga Padilla.

E, mukhang hindi nagmana sa mga Padilla si Daniel na stick to one simula nu’ng naging sila ni Kathryn Bernardo at mukhang hindi na niya pakakawalan ang dalaga.

“Wala pong mababago sa akin kung ano ako dati,” sabi naman ng aktor, “ganu’n pa rin po ako ngayon. Salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin, sa amin ni Kath.”

Eksakto ang paglalarawan ng KathNiel KaDreamersWorld kay DJ, “Protector at Supremo” dahil lahat ng mga taong mahal ng aktor ay pinoprotektahan niya at sinusunod ang lahat ng mga payo niya.

Aminado naman si Rommel na sa murang edad ng anak ay naging padre de pamilya na ito kaya’t sobrang proud siya sa binata.

Nakita namin ang inihandang party ng grupong Danielistaz sa Reve Events Place noong Martes na Star Wars ang concept na talagang ginastusan ng mga bagets mula sa inipun-ipon nilang pondo para sa kasiyahan ng idolo nila.

Sosyal naman ang dating ng Mafia concept ng KathNiel KaDreamers World sa Cities Events kinagabihan, may black and white dress code ang mga miyembro at bawal ang may cellphone o video para walang selfie at hindi masayang ang oras ng kanilang pakikipag-usap kay Daniel.

Nag-share ang bawat miyembro ng KathNiel KaDreamers na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa kaya bongga ang party na tinawag nilang DJP @ 21. Kahit simple lang ang towering cake, alam mong mamahalin.

Dumalo sa nasabing party ang mga kapatid ni Daniel at ama minus Karla na busy sa bagong bahay ng anak.

(Reggee Bonoan)