PURA, Tarlac - Sinawimpalad na mamatay ang isang pulis makaraang aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm matapos niyang madaganan ito habang nasa ilalim ng unan sa Purok 7, Barangay Naya sa Pura, Tarlac.

Ayon kay PO1 Milan Ponce, ang nasawi sa accidental firing ay si PO1 Dexter Singguipin, 24, nakatalaga sa Camp Macabulos sa Tarlac City, na nasapol ng bala sa kaliwang sentido.

Nauna rito, nakipag-inuman si Singguipin sa pito niyang kaibigan at makalipas ang ilang oras ay umuwi na siya at sa paghiga upang matulog ay biglang pumutok ang kanyang service firearm na itinago niya sa ilalim ng unan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog