Bb Pilipinas 2016 winners_Bob Dungo Jr. copy

ISANG maningning na gabi at tagisan ng ganda at talino ang ipinakita ng naggagandahan at nagseseksihang 40 kandidata ng Binibining Pilipinas sa pinakaprestihiyosong beauty competition sa bansa sa Smart Araneta Coliseum nitong nakaraang Linggo. Nagdagdag ningning din sina Xian Lim at KC Concepcion bilang hosts ng 2016 Binibining Pilipinas coronation night.

Matagumpay na naitawid nina Xian at KC ang kanilang papel at sa katunayan ay pinuri ng madlang pipol ang kanilang trabaho. 

Maayos ang flow ng programa mula sa swimwear competition hanggang sa pagrampa sa evening gown competition na halos lahat ng suot ng mga kandidata ay gawang-Pinoy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

After swimwear at evening gowns competitions, ini-announce ang ilang nanalo ng special awards kasunod ng pagpili sa top 15 candidates na nakipagtagisan ng talino sa pagsagot sa mga katanungan ng judges na kinabibilangan ng ABS-CBN executives na sina Ms. Cory Vidanes, Laurenti Dyogi, Kapamilya actor Ian Veneracion, Paolo Gerardo Roxas, 2015 Miss USA Olivia Jordan at ilang foreign ambassadors.

Pumasok sa 15 finalists ay ang mga sumusunod na kandidata, 31; 16; 5; 38; 22; 9; 4; 13; 29; 27; 26; 11; 37; 28; 12. 

Bago inihayag ang winners, rumampa muna ang limang reigning queens ng Bb. Pilipinas 2015 para sa traditional farewell walk na kinabilangan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na nagbigay ng positibong mensahe sa kanyang successor at sa kahusayan ng world-class na Pinoy. 

Magkakasunod na inihayag ang mga nanalo sa anim na korona ng Binibining Pilipinas na sina Bb. Pilipinas Universe 2016 – Bb. 29 Maxine Medina, Bb. Pilipinas International 2016 – Bb. 31 Kylie Verzosa, Bb. Pilipinas Supranational 2016 – Bb. 13 Joanna Eden, Bb. Pilipinas Intercontinental 2016 – Bb. 26 Jennifer Hammond, Bb Pilipinas Globe 2016 – Bb. 28 Nichole Manalo, at Bb. Pilipinas Grand International 2016 – Bb 11 Nicole Cordoves. (ADOR SALUTA)