Kasado na ang nationwide transport protest ng libu-libong driver at operator, sa pangunguna ng No to Jeepney Phase Out Coalition (NTJPC), ngayong Lunes ng umaga, upang hilingin sa gobyerno na ibasura ang naturang programa.

Inasahan ang paglahok sa protesta ng mga jeepney driver at operator sa iba’t ibang lugar sa bansa at hinamon ang mga kandidato sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Mayo 9 na manindigan at labanan ang PUJ phase-out program.

Panawagan ng NTJPC sa sino mang mananalong kandidato na ipabasura ang implementasyon ng naturang programa.

Bukod dito, umapela ang alyansa sa mga driver, operator at pasahero na huwag iboto si Liberal Part presidential bet Mar Roxas na binansagang promotor ng jeepney phase-out.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kinokondena rin ng NTJPC ang mga umano’y tiwaling lider ng sektor ng transportasyon na sina Obet Martin (Pasang Masda), Efren De Luna (ACTO) at Zeny Maranan (FEJODAP) dahil sa umano’y pag-endorso kay Roxas, na itinuturong nasa likod ng naturang polisiya.

Kabilang sa transport protest ang mammoth caravan sa Metro Manila at iba pang kahalintulad na protesta sa mga lungsod sa bansa.

Dakong 6:00 ng umaga magtitipon ang mga driver at operator sa harap ng Quezon Memorial Circle, at pagsapit ng 9:00 umaga ay magsisimula naman ang caravan sa Mendiola na susundan ng isa pang programa bandang 10:00 ng umaga. - Bella Gamotea