milo copy

BOSTON, Massachusetts – Handa at determinado sina reigning MILO Marathon Queen Mary Joy Tabal and Marathon King Rafael Poliquit Jr. sa target na makapuwesto sa top 20 ng pamosong Boston Marathon sa Linggo (Lunes sa Manila).

Kinatawan nina Tabal at Poliquit, Jr. ang bansa sa premyadong marathon event sa mundo bilang premyo ng kanilang tagumpay sa MILO National Finals nitong Disyembre.

Nasa ika-120 taon na ang event, ngunit espesyal ang karera ngayon dahil ito ang ikatlong anibersayo sa naganap na pambobomba sa itinuturing na “Olympics of marathon”.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Umaabot sa 500,000 ang lumalahok sa Boston Marathon kada taon at itinuturing na tradisyon sa pinakamalupit na runner sa buong mundo ang paglahok dito.

Dahil dito, pinaghandaang mabuti ni Tabal ang torneo sa pagsabak sa matinding pagsasanay sa Japan sa pangangasiwa ng dekalidad na coach, gayundin ang paglahok niya sa Adachi Goshikizakura Half-Marathon sa Tokyo kung saan nalagpasan niya ang personal na marka sa 21K, gayundin ang kasalukuyang Philippine record.

Hawak ni Tabal ang bagong record na 1:18:44 matapos burahin ang dating marka na 1:19:22.

“It took a lot of focus, hard work and patience to survive my training in Japan, so it was really unexpected for me to break my record, and my main goal was really to challenge myself and improve my confidence. I am also focused on my target, which is to compete in the Boston Marathon and qualify for the Olympics,” sambit ni Tabal.

“I am truly grateful that MILO has been helping me in this journey,” aniya.

Iginiit ng Southeast Asian Games silver medalist na ang kanyang pagsabak sa Boston ay bahagi rin ng kanyang pangarap na makasikwat ng slots sa Rio Olympics na inaasam din ng sambayanan.

“That’s why I am here. I dreamed of this and so many people believe that I can. I have taken this challenge to heart. I have been into many international races already, but this time it’s different. It feels good to once again represent MILO and the Philippines in this once in a lifetime experience.Now, I am praying for good conditions in mind, body and spirit, and of course a safe race that I will enjoy,” aniya.

Katulad niya, naghanda ring mabuti si Poliquit para matupad ang matagal ng pangarap na magwagi sa Boston Marathon.

“The Boston Marathon is very prestigious, and to represent the Philippines in the internationalstage is both humbling and inspiring,” pagtatapos niya.