TORONTO (Reuters) - Limang bata ang nagtangkang magpatiwakal nitong Biyernes ng gabi sa isang komunidad sa Canada, ayon sa kanilang leader, kasunod ng mga pagtatangkang magpakamatay matapos siyang magdeklara ng state of emergency dahil sa paulit-ulit na insidente tungkol dito.

Kinumpirma ni Chief Bruce Shisheesh, ng Attawapiskat First Nation sa probinsiya ng Ontario, ang balita sa panayam sa telepono nitong Sabado.

Aniya, “a few” ang nagtangkang magpakamatay sa komunidad ng may 2,000 katao ilang araw bago ang Biyernes, ngunit tumanggi siyang ibigay ang eksaktong bilang.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina