Marian at Leni copy copy

NADAGDAGAN uli ang big celebrity supporters ni Cong. Leni Robredo sa pagpapahayag ni Marian Rivera na si Leni ang vice president niya.

Ipinost ni Marian sa Instagram (IG) ang picture nila ni Leni at sinabi ang rason kung bakit si Leni ang iboboto niya.

“Sa debate kagabi (Linggo, April 10), naliwanagan ako sa kani-kanyang mga pananaw ng mga kandidato sa pagka-Bise Presidente. Dahil diyan, lalong tumibay ang aking paniniwala na si Congresswoman Leni Robredo ang susuportahan ko.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi lang dahil siya rin ang napili ng aking asawa, maging ng marami kong kaibigan at kakilala, kundi dahil kinakitaan ko siya ng sinceridad, integridad, kakayahang mamuno at maglingkod lalo na sa mga kababaihan at manggagawa na nasa laylayan ng lipunan. Matagal na siyang nasa public service bago pumasok sa politika at sa mga panahong ito ay hindi nabahiran ng katiwalian ang kanyang record at character kaya bilib ako sa kanya.

Iba-iba man po tayo ng opinion at gusto, sigurado ako na lahat tayo nangangarap ng mas maunlad at maayos na Pilipinas. Sa tingin ko, isa sa pangunahing paraan para makamit ito ay ihalal natin ang mga tamang tao. At para sa akin, tiwala ako sa pamumuno ni Leni Robredo kung siya ang magiging Bise Presidente ng ating bansa. Sa mga wala pang napipiling susuportahan, magdasal at suriin pong mabuti ang bawat kandidato para makapag desisyon ng tama. May the best woman win, sabi nga niya. ‪#‎LeniismyVP‬ @lenirobredo.”

Nakakatuwa ang reaction ng fans ni Marian sa sinabi niyang si Leni ang susuportahan niya. May mga kumontra sa kanya at may sumang-ayon. Marami rin ang nahikayat ni Marian na si Leni ang iboto.

Anyway, hindi na lang sa Sunday Pinasaya mapapanood si Marian dahil simula May 2, mapapanood na ang talk show niyang Yan Ang Morning, 11 AM, Monday to Friday. Si Louie Ignacio ang director ng talk show at co-host ni Marian si Boobay.

Samantala, pinalitan na ni Dingdong  Dantes ang display picture niya sa IG, “Leni Robredo” na. Tinotoo ni Dingdong ang sinabi na mag-o-all out siya sa suporta kay Leni. (NITZ MIRALLES)