Mga laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Mahindra vs.Star

7 n.g. -- Ginebra vs. Meralco

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Pag- aagawan ng Mahindra at Star ang huling quarterfinal berth sa inaasahang eksplosibong duwelo sa penultimate elimination round ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup ngayon, sa Smart-Araneta Coliseum.

Kapwa may barahang 4-6, mag- uunahan ang dalawang koponan na makamit ang ikalimang panalo upang makopo ang nalalabing quarterfinals slot sa kanilang pagtutuos ngayong 4:15 ng hapon.

Parehas na galing sa talo ang dalawang koponan sa kanilang huling laban, ang Hotshots sa kamay ng Alaska (92-100) noong Abril 2 at ang Mahindra kontra sa Meralco (86-94) noong Abril 3.

Sa tampok na laro, tatangkain ng Barangay Ginebra na makahabol sa top 4 para sa twice-to-beat advantage sa pagsalang kontra league leader Meralco na sisikapin namang isemento ang pagkakaluklok sa top spot sa pagpuntirya ng ika-9 na panalo.

Kasama sa three- way tie ang Kings na may 6-4 marka tulad ng Alaska at defending champion Talk ‘N Text, isang panalo ang pagkakaiwan sa pumapangatlong Rain or Shine na may 7-4 panalo.

Sakaling magtabla sa 7-4, gagamitin ang win-over- the- other rule para makamit ang third at fourth spot papasok ng playoff. (MARIVIC AWITAN)