Pinuri ng Palasyo ang mabilis na pag-iimprenta ng National Printing Office (NPO) ng 56 na milyong balota na gagamitin sa eleksiyon sa Mayo 9, upang matiyak ang maayos na halalan gamit ang automated voting and counting system.

“Malugod po nating tinatanggap ang balita ng Comelec (Commission on Elections) hinggil sa pagtatapos ng paglilimbag ng 56.9 milyong balota na naisagawa sa loob lamang ng 49 na araw, o 18 days ahead of schedule,” ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. sa panayam sa radyo DzRB.

Ayon kay Coloma, nadaig ang Comelec record noong 2013, nang inabot ng 57 araw ang pag-iimprenta ng 52 milyong balota para sa midterm elections.

Noong 2010, inabot ng 81 araw ang pag-iimprenta sa 50 milyong balota, ayon sa record ng Comelec.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Hanggang nitong Biyernes, umabot na sa 77.3 porsiyento ng mga balota ang naberipika. Matatapos ang beripikasyon ng lahat ng balota sa Abril 25, ayon sa Comelec. Genalyn D. Kabiling