CAMILING, Tarlac – Isang hindi kilalang pulubi na ilang araw na umanong hindi kumakain ang iniulat na namatay sa loob ng public plaza sa Camiling, Tarlac.

Ayon kay PO2 Raymund Austria, ang hindi pa nakikilalang pulubi ay mahigit limang talampakan ang taas at nasa edad 70-80, nakasuot ng puting T-shirt at short pants.

Sinabi ni Armando De Guzman, 44, tricycle driver, may asawa, ng Barangay Libueg, Camiling, na namamasada siya nang mapansin ang pagkakahiga ng biktima sa plaza at nang lapitan niya ito ay nakumpirma niyang wala na itong buhay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol