Sugatan ang 11 katao matapos gumuho ang lupa sa Matina Crossing sa Davao City, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report ng Davao City Police Office (DCPO), nangyari ang insidente dakong 8:45 ng gabi nitong Linggo sa Purok 2, Quiñones Compound, Barangay 74-A, Matina Crossing.

Ligtas na sa tiyak na kamatayan ang mga biktima na pawang isinugod sa Southern Philippines Medical Center, at sadyang hindi pinangalanan.

Inilikas na rin ang apat na pamilya na nawalan ng tirahan sa trahedya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang pagguho ay malakas ang ulan sa lugar. (Fer Taboy)