Napanatili ng Tropang Texters ang tikas sa krusyal na sandali para maitarak ang 83-78 panalo kontra Mahindra sa PBA Commissioner’s Cup out-of-town game nitong Sabado, sa Puerto Princesa Coliseum sa Palawan.

Nagpakatatag ang Texters sa harap nang matinding paghahabol ng Enforcers para makopo ang panalo at buhayin ang kampanya na makahirit ng puwesto sa quarterfinals.

Hindi pinaporma ni TNT import David Simon ang Mahindra top scorer ang import na si Augustus Gilchrist, katuwang ang lokal na sina Jayson Castro, Jai Reyes, at Dylan Ababou para sa ikaapat na sunod na panalo ng TNT.

Umusad ang TNT sa 6-4 karta, habang bagsak ang Enforcers sa 4-6 at malagay sa alanganin ang kampanya na makausad sa susunod na round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We didn’t play well today and we didn’t have the energy, but a win is a win,” sambit ni TNT coach Jong Uichico.

“We’re able to grind it out and we’re able to keep our composure and discipline.”

Nanguna si Reyes sa TNT sa 12 puntos, habang tumipa sina Castro ng 11 puntos at Ababou na kumana ng siyam na puntos.

Iskor:

Tropang TNT 83 - Reyes J. 12, Castro 11, R. Reyes 11, Simon 10, Ababou 9, Tautuaa 8, Rosser 7, Seigle 6, Rosario 5, Fonacier 4, Carey .

Mahindra 78 - Gilchrist 21, Dehesa 12, Revilla 11, Canaleta 9, Ramos 6, Aguilar 4, Bagatsing 4, Digregorio 4, Ballesteros 2, Guinto 2, Yee 2, Pinto 1, De Vera 0, Elorde 0, Webb 0.

Quarterscores: 23-21, 42-38, 64-60, 83-78