Abril 11, 1961 nang idaos ang unang professional gig ng folk rock singer-songwriter na si Bob Dylan sa New York City.

Naging kaibigan ni Dylan ang ilang artista ng Downtown folk scene, katulad nina Dave Van Ronk at Jack Elliot. Sa unang bahagi ng 1960s, sumulat si Dylan ng mga awitin na tumatalakay sa iba’t ibang isyung panlipunan, kabilang na ang karapatang sibil.

Abril 1969 nang ini-release ni Dylan ang kanyang album na “Nashville Skyline”, na nagtatampok sa mga awiting makakapagpakalma, at sumasalamin sa kanyang kalooban. Ang single niyang “Lay Lady Lay” ay naging No. 7 sa Billboard hit chart.

Lumabas din si Dylan sa pelikulang “Pat Garrett and Billy the Kid” noong 1973 at isinulat ang soundtrack nito na kinabibilangan ng “Knockin’ on Heaven’s Door.” Nagsimula siyang mag-tour noong 1980s.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'