Dismayado si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa misteryosong pagkawala ng kanyang bagahe sa pagdating niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Sabado.

Dumating si Tagle sa NAIA Terminal 3 lulan ng Cathay Pacific flight CX-901 mula Hong Kong dakong 10:00 ng umaga nitong Sabado.

Naghintay ng mahigit isang oras si Tagle sa VIP Room kasama si NAIA Chaplain Msgr. Modesto Teston para sa kanyang bagahe subalit hindi na ito natagpuan ng airport authorities.

Ayon sa isang airline staff, na tumangging magpabanggit ng pangalan, posibleng hindi sa NAIA tinangay ang bagahe ng cardinal at maaaring nawala ito sa connecting flight ni Tagle mula sa Spain patungong Canada, na roon ay economy passenger ang cardinal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umaasa ang Cardinal na mahahanap pa rin ang kanyang luggage dahil mahahalagang bagay ang laman nito.

Pinayuhan din ng airport authorities si Tagle na maghain ng reklamo upang maimbestigahan ang misteryosong pagkawala ng kanyang bagahe. - Ariel Fernandez