Magkakaroon na ng trabaho ang mga out of school youth (OSY) sa Special Program for the Employment of Students (SPES) ng gobyerno na ngayon ay magbibigay na rin ng pagkakataon sa mga huminto sa pag-aaral para makaipon ng kanilang matrikula.
Ayon kay Senator Edgardo Angara, pinalawak ang saklaw ng SPES dahil ang orihinal na programa ay para lamang sa mga nakabakasyong estudyante.
“The Philippine Constitution recognizes the youth’s vital role in nation-building, mandating that education be given top priority as a means to promote their total development. But for years, we have had trouble with keeping our young in school mainly due to financial constraints. Minsan, mas madali ang tumigil muna sa pag-aaral,” ani Angara.
Taong 1992 nang binuo ang SPES para matulungan ang mahihirap pero matatalinong estudyante na kumita at makaipon kapag bakasyon.
Sinab ni Angara na itinaas din sa edad 15-30 ang dating 15-25 na edad ng kuwalipikado sa SPES, at pinalawig ito sa 78 araw mula sa dating 52 araw. (Leonel Abasola)