Halos lahat ng mga batang atleta mula sa 18 kalahok na rehiyon ang dumating na lalawigan ng Albay at nagsimula nang magsanay at maghanda para sa pagratsada ng 2016 Palarong Pambansa simula ngayon.

Batay sa website na www.albaypalaro2016.com ay pinakaunang dumating ang delegasyon ng Region 9 (Zamboanga Peninsula) na umaabot sa kabuuang bilang na 700.

Sunod na dumating ang mga kalahok sa Region 8 (Eastern Visayas) noong nakaraang Martes.

Umaasa ang host na darating ang lahat ng kalahok bago ang isasagawang opening ceremony ganap na alas-4 ng hapon ngayon.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Halos kumpleto na rin ang delegasyon ng Cordillera Administrative Region, Regions 10, 11 at ang pinakabagong deklara na rehiyon ng Negros Island pati na ang Region 3 at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Inaasahang makukumpleto ang lahat ng regiyon sa pagdating ng Region 2, 6, 7 at 4A pati na rin ang nagtatanggol na kampeon na National Capital Region, na siyang may pinakamalaking bilang ng delegasyon. .

Inaasahang abot sa 8,000 atleta, coach at bisita ang makikiisa sa Palaro kung saan paglalabanan ang mga larong archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.

Kasali rin ang demonstration sports na billiards, futsal, wrestling at wushu. (Angie Oredo)