TALAVERA, Nueva Ecija – Natangay ang malaking halaga ng pera at mga alahas mula sa isang 63-anyos na biyuda na nabiktima ng “Budol-Budol” gang nitong Abril 7 sa Barangay Matias sa bayang ito.

Kinilala ng Talavera Police ang biktimang si Rosalinda Carbonel y Arogante, ng Bgy. Poblacion Sur, Talavera.

Batay sa salaysay ni Carbonel, dakong 9:00 ng umaga at nasa loob siya ng Friendship Supermarket nang lapitan siya ng babaeng suspek na nagpakilalang kaibigan ng kanyang anak na nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

Inaya ang biktima ng suspek sa kotse nito dahil may ipinadala umanong package ang anak ng matanda, ngunit sa loob ng sasakyan ay isa pang babae ang nagpakita umano ng mga dolyar at sinabing bibilhin ang mga alahas na suot ng biktimang P1,000 bawat isa. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog