Abril 9, 1939, Easter Sunday, nang magtanghal ang sikat na African-American classical singer na si Marian Anderson sa libreng outdoor concert sa Lincoln Memorial sa Washington, D.C. Nasa 75,000 katao ang dumalo.
Enero 1939 nang nabigong makumbinse ng Hurok and Howard University ang Daughters of the American Revolution na suportahan ang event. Hindi pumayag ang Board of Education ng District of Columbia na ipagamit kay Anderson ang school auditorium.
Bata pa lamang si Anderson ay aktibo na siya sa mga aktibidad sa simbahan. Nagsimula ang pagsikat ni Anderson noong 1920s, at naglunsad ng mga concert tour sa Europe noong 1930s.
Si Anderson ang unang black American na napiling kumanta sa Metropolitan Opera House ng New York, noong 1955.
Tumanggap siya ng US Presidential Medal of Freedom noong 1963, at pumanaw noong Abril 1993.