Nasawi ang isang pasahero makaraang madaganan ng jeep na bumaligtad at ikinasugat ng 20 iba pa, sa Itogon, Benguet, kahapon.

Ayon sa report ng Itogon Municipal Police, nangyari ang insidente sa Philex Road sa Sitio Sta. Fe sa Barangay Ampucao, Itogon.

Sinabi ni Chief Insp. Stephen George Antonio, officer-in-charge ng Itogon Police, na nadaganan ng bumaligtad na jeep at nasawi si Emily Tomas, 54, may asawa, ng La Union.

Nasa 20 naman ang nasugatan, at nasa ospital pa ang 10 sa mga ito na kinilalang sina Vilma Aritao, Millan Paris, Jolina Mang-osan, Filipina Sandoval, Dixon Batawig, Cylene Guinigin, Thomas Marquez, Jherick Guinigin, Sandra Calias, at Rhealyn Calias.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Batay sa salaysay sa pulisya ni Patricio Esis Mayeng, driver ng jeep (AYT-120), nawalan ng preno ang sasakyan kaya upang makaiwas sa bangin ay ibinangga niya ang jeep sa gilid ng kalsada pero bumaligtad ito. (Fer Taboy)