MANGALDAN, Pangasinan – Sampung police non-commissioned officer (PNCO) ang sinibak mula sa Mangaldan Police at nahaharap ngayon sa mga kasong administratibo.

Sinabi ni Supt. Jack Candelario, hepe ng Police Community Relations, na itinalaga sa Pangasinan Police Provincial Office ang mga PNCO at nahaharap sa kasong neglect of duty.

Kabilang sa mga na-relieve sina SPO4 Angelito Jimenez, PO3 Fernando Francisco, PO2 Gerald Petilla, PO1 Arnold Visperas, PO3 Pelicornio Aquino, PO2 Dinnes Pastoral, at PO2 Jennelyn Eslera, dahil sa kabiguang tumugon sa isang nakawan sa Barangay Poblacion sa Mangaldan noong Semana Santa. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?