Pumuwesto sa Number One slot si Liberal Party standard bearer Mar Roxas at katambal nitong si Leni Robredo sa survey ng Philippine Association of National Advertisers (PANA) sa mga presidentiable at vice presidentiable sa May 9 elections.

Isinagawa ang survey sa ikatlong PANA General Membership Meeting sa Makati City kahapon.

Panauhing pandangal ng PANA at Ad Foundation si Solita Monsod, ekonomista at brodkaster sa isang istasyon ng telebisyon.

Nagkaroon ng dalawang botohan ang mga kasapi. Ang unang survey, nakakuha si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng 36.4 porsiyento; si Roxas, 18.2%; Sen. Grace Poe, 18.2%; Sen. Miriam Defensor Santiago, 18.2 %; at Vice President Jejomar Binay, 9.1%.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Pagkatapos ng pagpupulong ay nagkaroon muli ng survey sa mga kasapi. Nanguna si Roxas na nakakuha ng 46.4 %; pangalawa si Duterte na may 35.7%; habang tabla naman sina Poe at Santiago sa 7.1 %; at kulelat si Binay na nakakuha ng 3.6 %.

Sinabi ni Monson na bumagal ang pag-usad ng ekonomiya dahil sa kurapsiyon. Tuluy-tuloy umano ang laban dito lalo na’t marami pa ring balakid sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. (Beth Camia)