Target ng Commission on Elections (Comelec) na mailabas ang binagong General Instructions (GI) para sa mga Board of Election Inspectors (BEI) hanggang bukas, Biyernes.

Ito’y isang araw bago ang pormal na pagsisimula ng Overseas Absentee Voting (OAV) sa Sabado, Abril 9.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, noon pang Pebrero ay mayroon na silang draft amendment sa GI para sa eleksiyon sa Mayo 9 at sa canvassing ng mga boto.

Ang nagpatagal lamang umano sa pag-isyu ng GI ay ang pagdaragdag pa rito hinggil sa pag-iisyu ng voters’ receipt.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Isa sa pinag-aaralan ngayon ng Comelec ay kung sino ang gugupit ng mga resibong ilalabas ng vote counting machines (VCM).

Mahalaga ang GI para sa halalan dahil ito ang magiging basehan para sa training ng mga BEI at lalamanin nito ang buong proseso ng eleksiyon. (Mary Ann Santiago)