CONCEPCION, Tarlac - Labis na naaburido ang isang magsasaka na ipinatalo sa sugal ang pinagbentahan niya ng inaning hybrid corn seeds kaya nagpasya siyang wakasan na ang kanyang buhay sa Barangay San Antonio, Concepcion, Tarlac.

Ayon kay PO3 Aries Turla, nagbigti sa puno ng ipil-ipil si Gary Tolentino, 36, may asawa, ng Bgy. San Antonio, Concepcion, Tarlac.

Napag-alaman na isang masipag na magsasaka si Tolentino at maganda ang kinalabasan ng kanyang ani kaya marahil natukso siyang ipusta ang pinagbentahan ng kanyang ani, hanggang sa nasaid ito.

Labis umano itong dinamdam ni Tolentino kaya nagpasya itong magbigti na lang. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog