CAMOTES ISLAND, Cebu – Ilang oras ang nakalipas matapos magtalaga ng bagong director para sa Police Regional Office (PRO)-7, binaril at napatay ng dalawang lalaking sakay sa motorsiklo ang hepe ng isang himpilan ng pulis sa Camotes Island.

Wala pang isang araw makaraang mangako si PRO-7 Director Chief Supt. Patrocinio Comendador na gagawin niya ang makakaya upang maiwasan ang pagpaslang sa mga pulis sa Central Visayas, pinatay ng mga armado si Senior Insp. Jonas Tahanlangit, hepe ng Poro Police.

Minamaneho ni Tahanlangit ang kanyang Toyota Hi-Lux patungo sa himpilan ng Poro Police nang pagbabarilin ng mga suspek ang bahagi ng driver’s seat. Nang bumangga sa isang pader, binuksan pa ng mga armado ang pinto sa tapat ng hepe at pinagbabaril ito.

Nasugatan din sa insidente ang mga pasahero ng Hi-Lux na sina Rene James Sampan, 16, anak ng chairman ng Barangay Sta. Cruz, San Francisco; at Teresa Ann Montalban, 19 anyos. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?