SAN JOSE, Tarlac – Inireklamo ng isang dalagita ang isang farm worker na umano’y humalay sa kanya habang bumibili siya ng toyo sa isang tindahan sa Barangay Iba sa San Jose, Tarlac.

Ang 16-anyos na biktima ay taga-Sitio Malasin sa Bgy. Iba, habang pinaghahanap na ang suspek na si Albert Dela Peña, 19, manggagawa sa farm ni Arthur Santos sa nasabing lugar.

Dakong 6:00 ng gabi, bumibili ng toyo sa tindahan ang dalagita nang bigla siyang haltakin at kaladkarin ni Dela Peña sa madilim na bahagi ng Bgy. Iba at doon hinalay.

Binanggit ng biktima na nang makaraos ang suspek ay binigyan siya nito ng P25, bago tumakas. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?