Pitong accredited bank ang nag-adjust ng kanilang operasyon para sa extended clearance payment ng stakeholders sa Bureau of Customs (BoC) na magpapabilis sa paglabas ng mga kargamento at maiwasan ang pagsisikip sa puwerto.

Inilunsad ang serbisyo nitong Enero sa pamamagitan ng PAS 5 Host to Host 24/7 interface ng Philippine Clearing House Corporation, isang pribadong korporasyon na pag-aari ng mga komersyal na bangko na nakatala bilang mga miyembro ng Bankers Association of the Philippines (BAP).

Kabilang sa mga bangko na magpapalawig ng kanilang operasyon ang Deutsche Bank, Security Bank, AUB, Metrobank, RCBC, BDO at East West Bank. (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador