Hinikayat ni boxing icon Manny Pacquiao ang mga estudyante na piliin ang military service training sa mga programa sa ilalim ng National Training Service Program (NTSP).

“Bravery and patriotism are characters in the heart of every Filipino. But the cause of defending one’s country also requires preparedness and skills to be able to succeed,” pahayag ng Sarangani Congressman na isang lieutenant colonel sa AFP Reserve Force.

Batay sa kasalukuyang curriculum, mandatory para sa mga estudyante ang kumuha ng NTSP course at para sa eight-division world champion, napapanahon ang pagpasok sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) program.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanawagan din si Pacquiao sa Commission on Higher Education at Department of Defense na magsagawa ng malawakang paglalahad para maenganyo ang mga kabataan na lumahok sa ROTC.

“Nobody wants war but no Filipino wants to see their country easily crushed in case of foreign invasion,” sambit ni Pacquiao, tumatakbong Senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

Kasalukuyang naghahanda si Pacman para sa nalalapit na pakikisagupa kay American champion Timothy Bradley sa Abril 9 sa MGM Grand Garden Arena.

“I hope to inspire our youth to spend a portion of their time in strengthening their sense of patriotic duty,” aniya.