Abril 2, 1962 nang ilunsad ni noon ay United Kingdom (UK) Transport Minister Ernest Marples ang unang panda pedestrian crossing sa York Road sa London, England. Ito ay tinaguriang “a new idea in pedestrian safety.”

Kinakailangan munang pindutin ng mga tatawid ang isang button para lumabas ang “wait” sign. Paglipas ng limang segundo, iilaw na ang pulang ilaw na hudyat para huminto ang mga sasakyan.

Gayunman, nalito ang mga motorista sa panda crossing dahil sa kumplikadong pagpapalit-palit ng ilaw nito, at sa itim at puti na tiyanggulong marka.

Taong 1967 nang inilunsad ng UK Ministry of Transport ang “X-Way,” bilang kapalit ng panda crossings. Gumamit ang “X-Way” ng conventional group ng traffic signals sa halip na “disco lights”, ngunit ginamit pa rin ang “wait” sign.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!