POZORRUBIO, Pangasinan – Nasugatan ang isang barangay kagawad matapos tamaan ng ligaw na bala habang naglalakad malapit sa kanyang bahay sa Barangay Rosario sa Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng tama ng bala sa harapang bahagi ng kanang hita si Gary Nacis, ng Bgy. Rosario, at tumagos ito malapit sa kanang tuhod ng biktima.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong 7:30 ng gabi nitong Marso 30, kalalabas lang ni Nacis sa kanyang bahay nang makarinig siya ng putok ng baril at biglang makaramdan ng kirot sa kanyang kanang hita.

Sinabi ng pulisya na hindi nila natagpuan ang bala sa lugar ng krimen. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman