HINDI pinalampas ng Cirque du Soleil ang hit song ni Justin Timberlake na Don’t Hold The Wall.

Kinasuhan ng Canadian theatrical performance company ang superstar singer nitong Huwebes at inaakusahan na kinopya nang walang paalam ang ilang parte ng nasabing awitin mula sa isa sa mga orihinal na komposisyon ng Cirque du Soleil.

Ang awitin ni Timberlake ay nakapaloob sa kanyang 2013 double album na 20/20 at bumenta ito ng mahigit dalawang milyong kopya.

Inihain ang kaso sa federal court sa New York na nagsasabing ginamit ni Timberlake sa awiting Steel Dream ang ilang bahagi ng 1997 album ng Cirque du Soleil na QUIDAM.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sinisingil si Timberlake ng $800,000 para sa copyright.

Ang mga kasong pangongopya ng komposisyon ay laganap sa mundo ng musika. Halimbawa na lamang nito ang kaso noong nakaraang taon na pinanalunan ng soul singer na si Marvin Gaye na binayaran ng $7.4 million nina Robin Thicke at Pharrell Williams kaugnay ng kanilang hit single na Blurred Lines. (Reuters)