TOKYO, Japan (AFP) – Niyanig ng 6.0-magnitude na lindol ang timog kanlurang baybayin ng Japan nitong Biyernes, sinabi ng US Geological Survey, ngunit ayon sa mga lokal na awtoridad ay walang panganib ng tsunami.

Tumama ang lindol eksaktong 11:39 am (0239 GMT) sa Honshu island ng Japan, may 350 kilometro mula sa timog kanluran ng Tokyo, sinabi ng USGS at Japan Meteorological Agency. May 10 kilometro ang lalim nito.

Walang iniulat na nasaktan o napinsala sa pagyanig.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'