ISULAN, Sultan Kudarat – Kitang-kita ang pagkatuyot ng dati ay umaagos na tubig sa Ilog Ala at Ilog Kapingkong, ang mga pangunahing pinagkukunan ng tubig sa irigasyon ng mga magsasaka sa kapatagan ng Sultan Kudarat na ngayon ay halos tambak na lang ng buhangin.

Ayon sa himutok ng mga magsasaka sa libu-libong ektarya ng sakahan sa Tacurong City, Isulan, Lambayong, Esperanza, at maging sa ilang bahagi ng Maguindanao, maaaring mabalam ang cropping season sa palay ngayong taon dahil sa tagtuyot.

Iniinda rin ng mga magsasaka ang pagpapatubig gamit ang water pump, dahil sa loob lang ng maikling panahon ay natutuyong muli ang kanilang mga taniman.

Sinabi naman ni Engr. Nestor Casador, ng provincial agriculture office, na bagamat magastos ay nagsasagawa sila ng cloud seeding laban sa tagtuyot, bukod pa sa inaayudahan ang mga magsasaka. (Leo P. Diaz)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?