Tiniyak ni Liberal Party (LP) mayoralty aspirant Atty. Magtanggol Gunigundo I na ihahatid sa kani-kanilang bahay ang P500 monthly pension ng mga senior citizen sa Valenzuela City, kapag siya ang nanalo sa eleksiyon sa Mayo 9.

Ito ang ipinangako ni Gunigundo sa talakayan sa Azicate Homes sa Barangay Gen. T. De Leon, noong Miyerkules ng hapon.

Aniya, hindi na dapat pang pahirapan ang mga senior citizen sa pagpila nang mahaba para lamang makuha ang kanilang pension mula sa city government. (Orly L. Barcala)

Karina Bautista, PH navy reservist na